?

Log in

No account? Create an account

Previous Entry | Next Entry

Dalawang Paanyaya Pauwi.

1. Kahapon, taga-Malate (DLSU) pala ang buyer ko sa aking Dating Kundiman, si Karen Frondozo. Pagdating niya ng Pinoy Dept, may dala siyang kopya ng Malate, para sa akin. Nakaalis na siya nang malaman kong siya pala ang nagsulat ng kuwentong pinanalo namin ni (Sir) Roland Tolentino (co-judge ko) sa nagdaang Literary Awards ng DLSU. Pero bago siya umalis, inanyayahan niya ako para maging panelist sa kanilang workshop na gaganapin sa susunod na linggo (17-19 November). At hulaan n'yo kung saan gagawin? Sa Cresta Monte. Sa San Pablo. Sa wakas, makakauwi na rin ako sa San Pablo. Natanggap ko na kanina ang letter ni Yot Henson na nagsasabing bukas ko matatanggap ang manuscripts, sa fiction ako magpa-panel, at makakasama ko sa panel si Sarge Lacuesta, na nakasama ko nang umupo sa workshop noong Ateneo National Writers Workshop.

2. Ngayon, nakatanggap naman ako ng Friendster message mula kay Dennis Lacsam, isa sa mga senior writer ng dating Barkada! Newsmagazine, kung saan ako unang nagkaroon ng break, at binayaran, sa pagsusulat noong nasa second year high school ako. May kolum noon doon si Dennis sa Filipino, ang "Teka Muna...". Nang tumigil siya sa pagsusulat, ako ang nagmana ng espasyo niya, at nagkaroon ng sarili kong kolum, ang "Siya Nga." Bago iyon, nauna akong sinanay ng mag-asawang Cao, na editor at publisher namin, sa kolum na "Youth Forum" kung saan kinailangan kong makipanayam sa mga estudyante sa iba't ibang schools sa Region IV para hingin ang kanilang opinyon ukol sa iba't ibang panrehiyon o pambansang isyu. Nagtuturo na ngayon si Dennis sa San Pablo at inaanyayahan niya akong mag-train sa mga estudyanteng ipanlalaban ng San Pablo sa Regional Schools Press Conference. November 27 o 28 ang petsang ibinigay niya. Nagpasabi ako na kung magagawan ng paraan na maging Sabado, interesadong-interesado ako. Lalo pa't ang unang pagkakataon na nakasakay ako ng eroplano, at makatakas sa Luzon, ay nang palarin akong manalo sa RSPC noong nasa 4th year high school ako, at ipadala ako sa National Schools Press Conference na ginanap noong Disyembre 1997 sa Tangub City. Biyaheng Dipolog ang sinakyan namin, kaya nakapasyal din kami sa Dapitan, at sa replica ng bahay kung saan doon tumuloy si Rizal. Sa NSPC, pinalad pa akong manalo ng 2nd place sa Editorial Writing. Kung matutuloy ito, aba, biglang sunod-sunod ang magiging pag-uwi ko sa San Pablo. 

Comments

( 7 comments — Leave a comment )
oh_me_good
Nov. 10th, 2006 01:23 pm (UTC)
Sir, some of the fondest memories of my high school life I had during the Press Conferences. =) Pa-epal lang. Bigla ko lang naalala.
ecsamar
Nov. 11th, 2006 05:16 am (UTC)
oo nga, ako rin. :-) pero sa akin, 9 years ago na pala 'yun.
paglalakbay
Nov. 12th, 2006 04:57 am (UTC)
kaibigan ko si Yot, tinatanong niya sa akin kung sinu-sino pwedeng maging panelists para sa workshop nila, kaya ni-recommend ko kayo ni Sarge. :) natutuwa naman ako at makakauwi ka na sa San Pablo! :)

(at bibili ako ng mga libro, pero nag-iipon pa ako ulit ng pera hahahahaha)
ecsamar
Nov. 12th, 2006 09:22 am (UTC)
ganun ba? salamat, twinkle! :-) nakuha ko na nga kahapon ang manuscripts kaya nakita ko na rin si yot nang personal. :-)
paglalakbay
Nov. 12th, 2006 01:45 pm (UTC)
:)
laya_maria
Feb. 9th, 2009 08:18 am (UTC)
Another NSPC alumni! (epal din). I was googling the NSPC for an article about NSPC alums turned bloggers (ito ba ay sayd epek din ng en es pi si?) and found this blog. ^^
laya_maria
Feb. 10th, 2009 09:33 am (UTC)
( 7 comments — Leave a comment )